Monday, September 16, 2019

Hello, Leave, Goodbye

The start of something new, yet hindi ko alam kung paano.

Una, parang ang hirap na sa 'king magsulat. Hindi gaya dati na parang ang free-flowing ng mga salita. Hindi gaya ng mga panahon kung kailan kahit ang pinaka-senseless ay nagkakaroon at nabibigyan ko meaning. Para akong tinatakasan ng mga salita. Ballpen na walang tinta. Keyboard na walang keys. Ako na walang ikaw.

Siningit ko lang talaga 'yong huli kasi medyo catchy.

Going back, matagal na rin pala nang huli akong nagsulat  ng ganito. Isang blog entry sa isang napaka-random na araw. Walang special. Walang highlight. Walang kahit na ano maliban sa isang tasa ng kape sa tabi, librong hindi matapos-tapos sa ibabaw ng lamesa, at pag-asang sana alam ko pa ang daang minsang tinahak ko at hindi feeling naliligaw gaya ng nararamdam ko ngayon.

Alam mo 'yong pakiramdam na ang dami mong tanong, pero lahat ng sagot parang hindi para sa 'yo? Sa tuwing babato ka ng bakit, ang sagot lang sa 'yo pabalik ay okay. Walang meaning. Walang sense. Kaya darating ka na lang sa puntong hindi ka na lang magtatanong. Sasarilihin mo na lang ang mga bagay-bagay sa pag-asang isang araw ay madadapa ka na lang randomly at makakalimot.

Kung dati nalulunod ka sa ideas at driven ng kung ano-anong motivations para maging creative, ngayon ang hirap ng pumiga ni katiting na katas ng pagiging artsy, critical-thinker, at humorous. Pakiramdam ko tuloy habang nadadagdagan ang edad ko, habang nagpapakalunod ako sa trabahong paulit-ulit ang siklo, mas lalo lang akong lumulubog. Walang pag-ahon gaya ng nasa original itinerary. Walang improvement gaya ng nasa list of expectations. Walang sense of achievement dahil araw-araw na lang parang puro disappointments.

Nakakagago na wala pang outlet para mag-vent out. Wala na 'yong mga dating kausap. Wala na 'yong dating hobby. Wala na 'yong stress-reliever. Parang lahat umalis na at umusad pero ikaw nandoon pa rin sa lugar kung saan ka nila iniwan.

No comments:

Post a Comment